Skip to main content

WALANG PASOK | AUGUST 28, 2026

Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at dahil sa Orange Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA, sinuspinde natin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Tarlac ngayong Agosto 28, 2026 (Biyernes).
Pinapayuhan ang lahat ng paaralan na ipatupad ang naaangkop na Alternative Delivery Modes of Learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani.
Hinihiling ko sa ating mga kababayan na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha at iba pang epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac