Skip to main content

UPLIFT PROGRAM PAYOUT HELD IN THE MUNICIPALITY OF ANAO

Ang UPLIFT Program ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng pansamantalang tulong pinansyal sa mga kwalipikadong poor at near-poor households upang makatulong sa pagharap sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin ng pamilya.

Isinagawa ang manual over-the-counter distribution ngayong Agosto 5, 2026 at sa mga susunod na payout, maaaring gamitin ang digital wallet o electronic banking system.
SINO ANG TARGET NA BENEPISYARYO?

Ang UPLIFT Bucket 2 (Group 2) ay para sa mga poor at near-poor households na natukoy batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) at hindi tumatanggap ng 4Ps o Walang Gutom Program.

SAAN NANGGALING ANG LISTAHAN?
Ang listahan ng mga potensyal na benepisyaryo ay batay sa opisyal na listahan at datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), alinsunod sa itinakdang pamantayan ng programa.

MAHALAGANG PAALALA: Ang UPLIFT Program ay hindi application-based o referral-based. Hindi kinakailangang mag-apply o magpasali ng pangalan upang maisama sa listahan. Ang Local Government Unit at Barangay ay walang kaugnayan sa pagbuo o pagpili ng mga pangalan na nasa ibinabang listahan ng benepisyaryo. Ang pagtukoy at pagpili ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakabatay sa itinakdang proseso at pamantayan ng programa.

 

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DYNHHphLN/

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac