Skip to main content

Training Course on Free-Range Chicken Production


Sa pagpapatuloy ng pagsasanay sa pag-aalaga ng manok ay natanggap na ng mga kalahok mula sa ATI Central Luzon sa pangunguna ni Director Vera Esguerra sa pamamagitan ni Bb. Krizzell Galang, Training Specialist ang after training support nito. Kabilang dito ang apat na manok na 2-3 buwan gulang (3 babae at 1 lalaki), ranging net, at mollases. Pinangunahan ito ni Mayor Paeng Naral kasama ang Pambayang Panakahan ang pagbibigay ng mga nabanggit na starter kit. Ayon kay Mayor Naral ay maglalatag ang lokal na pamahalaan ng plano at proyekto para palakasin ang sektor ng pagmamanukan sa bayan. Mula po sa Bayan ng Anao ang aming taos pusong pasasalamat sa ATI Central Luzon

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac