TINGNAN: Makikita na maayos pumila at naghintay ang mga residente ng Anao, Tarlac sa isang community pantry na nakalagay sa tapat ng Anao Pasalubong Center


Nabanggit nang isa sa mga organizer na ang Anao Community Pantry ay ‘inspired’ sa community pantry ng Maginhawa.
Nagpasalamat ang Anao Community Pantry sa mga nagbigay donasyon sa pamamagitan ng kanilang Facebook post at nakasaad din rito na magtatayo din sila sa mga iba’t-ibang barangay ng nasabing bayan.
Nagsimula ang Anao Community Pantry kaninang alas-tres (3 PM) ng hapon at magpapatuloy pa rin sa mga susunod na araw.
📷 Anao Community Pantry

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac