Technical Briefing para sa dagdag kaalaman sa sibuyas


Sa unang pagkakataon ay nagkatipon-tipon ang mga magsasaka na nagtatanim ng sibuyas mula sa ibat-ibang barangay dito sa Bayan ng Anao. Pinasimulan nito ni Mayor Paeng Naral kasama ang Da-opa San Isidro Tarlac na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Alice Cruz sa pamamagitan ng kanyang Provincial High Value Crops & Development Program (HVCDP) Coordinator Arman Antonio Tullao. Napag-usapan sa naturang pagpupulong ang paglatag ng eskedyul ng pagtatanim gayundin ang Technical Briefing para sa dagdag kaalaman sa sibuyas at pamamahala sa peste at pagpapatala sa programa ng pagseseguro.
Nabuo ang layuning ito sa pamamagitan ng suporta at pagbibigay ng libreng buto ng sibuyas mula sa Hvcdp Region III sa pamumuno ni Engr Eybie Pangilinan – David bilang Regional HVCDP Coordinator sa ilalim ng Panrehiyong Panakahan sa pangunguna ni Director Crispulo G. Bautista. Matatandaan din na nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay na ibinaba sa bayan mula sa ATI Central Luzon para sa kursong “ Kitang Wow na Wow sa Sibuyas ng Anao”
Para palakasin pa lalo ang mga magsasaka ay isinabay na din ang pag-organisa ng asosasyon at naghalal ng mga opisyales na siyang maging representante sa maaaring hilingin na mga proyekto at iba pang interbensiyon sa pagsisibuyas.
Hindi rin nakalimutan ng Punong Bayan at mga Magsasaka ang pagpapaabot ng pasasalamat sa tanggapan ng Gobernadora Susan Yap sa paybibigay prayoridad sa bayan upang tulungan ang mga magsasakang Anaoeño.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac