Supplies at Materials para naman sa Artificial Insemination (AI) ng Barangay na Gagampanan ng Trained AI Technicial

Sabi nga nila “Kung may Itinanim ay may Aanihin”. Pagkatapos ng pagsasanay sa Farmers Livestock School on Sustainable Pig Farming ng 25 na magbababoy ng bayan ng Anao ay isinagawa naman ang paggawad ng mga supplies at materials para naman sa Artificial Insemination (AI) ng Barangay na gagampanan ng trained AI Technicial mula sa grupo ng FLS graduates. Ito ay sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute RTC3 sa pangunguna ni Dir. Vera Esguerra. Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni Councilor Rodolfo Guerrero, Vice Chairman Comm.on Agriculture, kasama ang Pambayang Panakahan at mga Magbababoy upang pangunahan ang pagtanggap sa nasabing proyekto mula sa ATI RTC3🐖🔬🔜🥳😍


POWERED BY:

Copyright © 2020. Municipality of Anao, Province of Tarlac. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!