
Public Hearing patungkol sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2023-2032
Ginanap ang isang Public Hearing patungkol sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2023-2032 sa pangunguna ni Mayor Jappy De Dios, Vice Mayor Joy Concepcion – Punzalan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan Anao Tarlac sa pamamagitan ni MPDO Mr. Gabriel Cardona Tilde, En.P. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng ibat-ibang personalidad mula sa lokal na pamahalaan, opisyales ng barangay, national agencies at civil society organizations (CSO). Sa kasalukuyan ang CLUP ay nakatakdang dinggin sa Sangguniang Panlalawigan para sa pormal na pag-aproba nito.