Skip to main content

PINATUBO VOLCANO BULLETIN, 04 Marso 2021, 7:00 ng Umaga


Pinababatid sa lahat ang pagtaas ang alerto ng Bulkang Pinatubo mula Alert Level 0 (Tahimik) patungong Alert Level 1 (May Bahagyang Pagligalig).
• Ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari.
• Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Bulkang Pinatubo ay pinaaalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagsabog ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang disaster preparedness plans.
Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Pinatubo at ang anumang pagbabago ay agarang ipararating sa lahat ng mga kinauukulan.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac