Skip to main content

PCSO Medical and Dental Mission Program

Programang Pangkalusugan at Pangkawanggawa, Handog ng PCSO sa Bayan ng Anao, Tarlac
Matagumpay na naisakatuparan ng PCSO ang misyon nitong tumulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang pangkalusugan at panlipunan sa pangunguna ni PCSO Director Jennifer E. Liongson-Guevara sa bayan ng Anao sa lalawigan ng Tarlac noong ika-14 ng Nobyembre 2023.
Nagkaroon ng libreng medical and dental mission sa nasabing bayan na pinakinabangan ng daan daang residente na karamihan ay mga senior citizen.
Naghandog din ang PCSO ng 10 wheelchair at iba’t ibang mga gamot bilang tulong sa rural health unit ng pamahalaang lokal.
Nabigyan din ng educational assistance ang tanggapan ni Director Guevara sa mga kwalipikadong mag-aaral ng kolehiyo mula sa bayan ng Anao.
Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac