
Pamamahagi ng Binhi ng Mais at Abono
Ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan Ng Anao sa pangunguna ni Mayor Jappy De Dios, Vice Mayor Joy Concepcion – Punzalan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan Anao Tarlac ang mga binhi ng mais at abono mula sa Panrehiyong Panakahan sa pamamagitan ng Da-opa San Isidro Tarlac sa patnubay ni Provincial Agriculturist Alice Cruz, Provincial Corn Coordinator Sir Joseph Gumallaoi at Alternate Coordinator Maam Cryselle Villanueva-Rombaoa. May anim na asosasyon mula sa bayan ang nabahaginan ng nasabing proyekto para sa pagpapaunlad ng industriya ng mais.