Pakikipagtalastasan ni Mayor Rafael M. Naral sa NIA Division Manager Engr. James Mananghaya kasama ang Technical Team ng Bayan
Isang pakikipagtalastasan sa National Irrigation Administration o NIA Division Manager Engr. James Mananghaya ang isinagawa ni Mayor Rafael M. Naral kasama ang mga Technical Team ng bayan.
Napag-usapan dito ang mga proyektong panubigan na ilalatag para sa taong 2021. Layunin ng mga proyekto na maipaabot ang irigasyon sa mga bukirin ng mga magsasakang Anaoeño.

