
Pagpupulong kay Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr.
January 31, 2023
Nagkaroon ng pagkakataon ang ating butihing Punong Bayan Gian Pierre “Jappy” O. De Dios kasama ang mga lingkod bayan para sa pagpupulong kay Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr. ng Kagawaran ng Pagsasaka Panrehiyon. Tinalakay nila ang ibat-ibang mga programa ng agrikultura para sa bayan ng Anao gayundin ang maigting na pagtutulungan ng magkabilang panig.