Skip to main content

Paggawad ng Safety Seal Certification sa Lokal na Pamahalaan ng Anao

Ang Lokal na Pamahalaan ng Anao ay sumailalim sa pagsusuri at pagtatasa para sa Safety Seal Certification Program ng Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan – Anao na isinagawa ng DILG Anao Inspection Team ngayong ng ika-4 ng Agosto 2021.

Matapos ang pagsusuri sa pagsunod ng Bayan ng Anao sa Safety Seal Checklist, matagumpay itong nagawaran ng katibayan ng pagsunod. Kasama ang mga tanggapan ng Punong Bayan, Sangguniang Bayan, MSWD at RHU sa mga nabigyan ng katibayan ng pagsunod.

Ang Safety Seal Program ay isang hakbang na naglalayon na mapanatiling ligtas ang mga pampublikong gusali kontra COVID-19.

#safetysealcertified

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac