Pagbuo ng Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC)

Sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office na nirerepresentahan ni Bb. Bessie P. Lasquite ay isinagawa ang pagbuo ng Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC) para sa bayan ng Anao sa pamumuno ni Mayor Paeng Naral. Ito ay dinaluhan ng mga ibat- ibang lider mula sa mga organisasyon at asosasyon ng magsasaka at barangay.

Layunin nito na maitalaga ang mga opisyales na maging boses ng mga magsasaka para mapatibay at mapalakas ang larangan ng pagsasaka ng bayan sa pamamagitan ng mga polisiya, pagpaplano at pagrerekomenda sa mga proyektong pang-agrikultura. Uupo ang mga opisyales ng tatlong taon para sa isang termino.


POWERED BY:

Copyright © 2020. Municipality of Anao, Province of Tarlac. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!