PABATID SA LAHAT NG CONSUMERS
Ipinapaalam po namin na dahil sa di karaniwan o pambihirang pagtaas ng ating demand sa kuryente ay patuloy na nagkakaroon ng overloading ang linya ng NGCP.
Ayon sa NGCP, isa sa mga options nila ay ang pagbabawas ng load demand ng TARELCO I sa pamamagitan ng “Manual Load Dropping (MLD)” o pag shutdown o pag off sa ilan nating substations, ito ay magdudulot ng brownout sa ilang byan lamang at pra hindi madamay ang lahat ng bayan sa ating franchise area.
Ang nasabing MLD o pagbabawas ng load ay gagawin oras na lalampas na sa “overloading threshold” o itinakdang overloading limit ng NGCP. Ang sitwasyong ito ay patuloy na mararanasan hangga’t di mag normalize ang demand sa kuryente.
Hinihingi po namin ang inyong pang unawa at paumanhin sa abalang maidudulot ng ating kinakaharap na problema sa kuryente.
Maraming salamat po.

