PAALALA – Bilang Paghahanda sa Anumang Peligrong maaaring idulot ng Bagong Strain o uri ng COVID-19 Virus

Bilang paghahanda sa anumang peligrong maaaring idulot ng bagong strain o uri ng COVID-19 virus, nagpasya ang Pamahalaan na magpatupad ng mga bagong patakaran sa mga nagbabalik na Filipinos sa ating bansa.

Ayon sa IATF Resolution No. 90, ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga flights at pasahero galling sa United Kingdom mula December 23, 2020 hanggang January 15, 2021.

Base sa sumunod na IATF Resolution No. 91, 19 pang mga bansa ang nai-report na may kumpirmado nang kaso ng bagong variant ng COVID-19. Ito ang mga sumusunod:

1. Denmark
2. Ireland
3. Japan
4. Australia
5. Israel
6. The Netherlands
7. Hong Kong
8. Switzerland
9. France
10. Germany
11. Iceland
12. Italy
13. Lebanon
14. Singapore
15. Sweden
16. South Korea
17. South Africa
18. Canada
19. Spain
Dahil dito, simula 29 December 2020, ipinapatupad ng ating Pamahalaan ang mga sumusunod:

• Lahat ng mga Pilipinong pasahero, kabilang ang mga OFWs, na nagmula (originating) o dumaan (transit) o nanatili sa mga bansang nabanggit sa loob ng 14 days bago dumating sa Pilipinas, ay papayagang makapasok sa bansa ngunit kailangang tapusin ang 14 day facility-based quarantine kahit pa makakakuha ng negative result sa RT-PCR test na sinagawa ng Red Cross.

• Ang 14-day mandatory quarantine ng mga apektadong OFWs ay sasagutin ng OWWA kasama ang pagkain at hotel accommodation.

• Mahigpit na pinagbabawal ang paglabas sa kwarto habang naka-quarantine. Sino mang lumabag ay maaaring patawan ng penalty for violation of health and safety protocols.

• Ang mga OWWA house parents at marshalls ng Philippine Coast Guard ay regular na magmo-monitor sa hotel quarantine. Maaari silang tawagan para sa anumang pangangailangan o katanungan habang naka-quarantine.

• Kung may naramdamang sintomas (ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan, etc.) sa loob ng 14 days habang naka-quarantine, agad itong ipaalam sa house parent, Coast Guard marshall o hotel front desk. May naka-antabay na medical team ang OWWA para sa anumang medical condition na kailangan ng agad na lunas.

• Hindi batayan ang personal o family emergency para payagang makalabas ang OFW sa quarantine facility ayon sa DOH-Bureau of Quarantine.

• Sa ngayon, hindi na maaring sunduin ng local government unit (LGU) ang mga OFWs para mag-quarantine sa kani-kanilang local quarantine facilities.

• Matapos ang 14-day mandatory quarantine, magbibigay ng certificate ang OFW mula sa Bureau of Quarantine bilang patunay. Ito ay isa sa mga magiging requirement (bukod sa negative RT-PCR test result) para makauwi na sa kani-kanilang mga tahanan o makasakay sa OWWA chartered buses sa PITX pauwi ng NCR o mga probinsya sa Luzon, o sa OWWA sweeper flights papuntang Visayas at Mindanao.

• Anumang pagbabago sa mga nabanggit na policies ay agad na ipapaalam ng OWWA house parents sa mga OFWs na nasa quarantine facilities.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!