Napagtagumpayan ng dalawang magsasaka ng Bayan ng Anao ang sertipikasyon ng Good Agricultural Practices
Sa ikalawang araw ng pagsisiyasat ay muli na naman pong napagtagumpayan ng dalawang magsasaka ng Bayan ng Anao ang sertipikasyon ng Good Agricultural Practices o GAP na isinagawa ng Bureau of Plant Industry (BPI), katuwang ang Department of Agriculture RFO III Regional GAP at Da-opa San Isidro Tarlac. Sa kabuuan ay may limang magsasaka ang ganap ng Certified GAP Farm.
Kabilang rito ay si G. Noel Ariaga Baguindoc mula sa Brgy. Baguindoc at G. Tolitz Atlarep ng Brgy. Suaverdez.

