Modernong Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office
Isang maagang pamasko handog para sa bawat Anaoeño. Ngayong araw December 11, 2023, sa Wack Wack Golf and Coubtry Club sa Mandaluyong City, ay tinanggap ko ng personal ang modernong Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Maraming salamat po PCSO General Manager Melquiades Robles at PCSO Director Jennifer Liongson-Guevara at sa ating DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. Ang PTV ay makapagbibigay ng malaking tulong at makapaghatid ng agarang serbisyo para sa bawat Anaoeño. Mula sa dalawang (2) ambulansya o PTV, ngayon ay mayroon nang limang (5) unit ng ambulansya o PTV ang Bayan ng Anao. Ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan, maayos na samahan at pagkakaisa. Maraming Salamat ulit #PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong #BagongPilipinas #PanatasaBayanBiyayasaMamamayan

