Skip to main content

Mayor Rafael Naral ng Anao, ibinida ang disiplina ng mga taga-Anao sa pandemya at krimen.


Pinag-malaki ni Mayor ang mababang crime rate ng bayan at ang mababang naitalang kaso nito ng COVID-19 infections.
Aminado naman si Mayor na naging mahirap din ang pandemya para sa kanya at sa Anao. “Nakakatakot po pala yung pandemic, pero doon po eh yun po yung nagsilbing inspirasyon ko kung paano labanan yung pandemic… Bilang isa po sa mga pinagbasehan po namin ng plano, ay yung mga binaba pong mga kautusan ng IATF. At sa probinsya, sa opisina po ni Gov, ay yun po ay sinundan po natin. At sa awa ng Diyos naman ay maayos namang sinunod ng ating mga kababayan. Di po kami nahirapan doon. At bilang katunayan po na nailayo po namin sila sa pandemic, ta-tatlo lang po yung naging kaso ng anao. Hanggang sa ngayon” dagdag ni Mayor Naral.
Ayon kay Mayor, tampok din sa Anao ang agrikultura na pinagkakakitaan din ng bayan. Isinaad niya ang produkto ng Anao na halamang Ylang-ylang na nagagawa nilang materyal sa paggawa ng sabon, pabango at iba pa.
Para kay Mayor, ang prayoridad niya sa panunungkulan ay mapaunlad ang Anao. “Sa akin lang po simple lang eh. Magawa ko lang po yung pangarap ko na mapaunlad yung, kahit konting unlad lang yung bayan, mabigyan ko po ng income yung mga kababayan ko, at maipamana yung katahimikan, okay na po, masaya na po ako” aniyang Mayor.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac