Skip to main content

Makabagong Teknolohiya sa Smart Agriculture

Hindi lang sa pagkuha ng mga larawan at video ang kayang magawa ng mga Drone kundi ang kakayahang makagawa din sa ating mga bukid sa pamamagitan ng spraying at seeding. Ipinapakita rito ang maaring maging opsiyon na teknolohiya sa pagsasaka gamit ang mga makabagong teknolohiya sa smart agriculture.Sa pakikipagtulungan ng Harbest Agribusiness Corporation sa Bayan ng Anao ay naisagawa ang technology demonstration sa drone spraying na aktuwal na pinanood ng mga magsasaka kasama si Mayor Paeng Naral na ginanap sa Barangay Suaverdez. Nagkaroon din ng pagkakataon na masagot ang mga katanungan patungkol sa teknolohiyang ito.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac