Skip to main content

Larong Pinoy Pagyamanin, Kabataang Pinoy Pagtibayin!

Sa pag-unlad ng teknolohiya, ay tila kakaonti na lamang ang naglalaro ng mga larong pinoy. Ang larong ito ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya naman ay dapat natin itong balikan at pangalagaan.
Alinsunod sa pagdiriwang ng Philippines Independence Day, ang Sangguniang Kabataan sa pakikipag-ugnayan sa YIWI Anao ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagsasagawa ng mini olympics na may temang “Larong Pinoy, Laro ng Lahi”, sa ika-10 ng Hunyo taong 2022.
Layunin nito na pagyamanin ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga Kabataang Anaoeño at sila’y hikayatin na ipagpatuloy ang kanilang pagkahilig sa kultural na sports ng mga Pilipino sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya.
Binubuo ng aktibidad na ito ang mga sporting events tulad ng:
• Palosebo
• Pukpok palayok
• Patintero
• Agawan buko
• Sack race
• Sipa
• Tug of war
• Tumbang preso
• Kadang-kadang
Ito ay open sa mga kabataan na may edad 15-25. Magbuo ng grupo na may limang (5) miyembro. Maaari niyo ipasa ang inyong grupo kay Mr. Mark Crystal.
Tara laro tayo! Ating balikan ang Kulturang Pilipino!
#LarongPinoy2022
#PhilippinesIndependenceDay
Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac