Isang taos-pusong pagbati sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Don Ramon, sa pangunguna ni SK Chairperson Restelitio Daduyo Jr., sa pagkamit ng HIGH FUNCTIONAL rating sa isinagawang Kilos Kabataan Result para sa Taong Pananalapi 2025, na may markang 92.5.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong dedikasyon, mahusay na pamumuno, at patuloy na pagsisikap na makapaghatid ng makabuluhang mga programa at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng kabataan sa inyong barangay.
Taos-pusong pasasalamat kina Punong Bayan Hon. Gian Pierre O. De Dios, Pangalawang Punong Bayan Hon. Concepcion C. Almazan, Ph.D., at sa lahat ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at patuloy na pagtataguyod sa mga programa para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan ng Anao.
Maraming salamat din sa lahat ng mga opisyal at kasapi ng Sangguniang Kabataan, mga opisyal ng barangay, at mga mamamayang naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang inyong pagtutulungan at pagkakaisa ay mahalagang ambag sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Don Ramon at ng buong Bayan ng Anao.
Patuloy nating palakasin ang kakayahan, pamumuno, at aktibong pakikilahok ng kabataan tungo sa isang mas maunlad, masigla, at progresibong Bagong Anao!
Mabuhay ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Don Ramon! Mabuhay ang kabataang Anaoeño!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DtkWE7kAx/

