Skip to main content

Humihingi po ako ng tawag pansin sa nakapulot ng pouch na kulay orange


Humihingi po ako ng tawag pansin sa nakapulot ng pouch na kulay orange sa tapat ng aking gate dito sa San Francisco East. May nakakita po na isang babae ang angkas ng single na motor at nakasuot ng school uniform ng Anao Junior High School ang nakapulot nito oras ng labasan ng estudyante alas kwatro ng hapon ngayung araw na ito. Mangyari pong paki balik ito sa Anao Police Station dahil ang lamang pera ng nasabing pouch ay para po sana sa taga Brgy.Campos na bigay ng aking kapatid tulong sa batang may sakit sa puso. Paki share po itong post mga kababayan ko dito sa Anao. Salamat po
– Shein Valeriano Melegrito

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac