
Gulayan sa Barangay Program
Gulayan sa Barangay Carmen ang itinampok bilang nanguna sa Lalawigan ng Tarlak at susubukang sungkitin ang unang pwesto sa rehiyon. Ito ang ipinamalas ng nasabing Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Rodel Montero kasama ang kaniyang konseho. Sa suporta na rin ng lokal na pamahalaan ng Bayan Ng Anao sa panguguna ni Punong Bayan Jappy De Dios kasama si Pangalawang Punong Bayan Joy Concepcion – Punzalan at miyembro ng Sangguniang Bayan Anao Tarlac ay naging posible ito gayundin ang Provincial Agriculturist Alice Cruz sa pamamagitan ni Maam Michelle B. Baino. Naroon din si Provincial Agriculture & Fishery Council Chairperson Edelberto Grande at iba pang kinatawan ng mga Pangulo ng asosasyon ng mga magsasaka. Dalangin ng buong bayan ang positibong resulta ng nasabing patimpalak para sa Barangay Carmen.