Skip to main content

DALAWANG ANAOEÑO, NABIGYAN NG PUHUNAN PARA SA FRIED CHICKEN BUSINESS

DALAWANG ANAOEÑO, NABIGYAN NG PUHUNAN PARA SA FRIED CHICKEN BUSINESS
Sila ang mga magulang ng mga child laborers na napili. Dalawang benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program mula sa Bayan ng Anao ang pormal na nakatanggap ngayong araw ng mga kagamitan para sa pagsisimula ng kanilang Fried Chicken Business.

Kabilang sa ipinagkaloob sa kanila ay kiosk, manok, ingredients, at cooking equipment.

Ang mga benepisyaryo ay nakilahok sa Entrepreneurial Development Training na isinagawa noong Agosto 22, 2025 sa DOLE Tarlac.

Ngayong araw, isinagawa ang pormal na awarding na dinaluhan mismo ni Mayor bilang suporta sa mga bagong entrepreneur sa Anao.

#BagongAnao
#DOLEIntegratedLivelihoodProgram

Click for more : https://www.facebook.com/share/p/1C2rv2XJ2p/

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac