Skip to main content

BLOOD LETTING ACTIVITY ng Local Government Unit ng Anao

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at mag donate ng dugo sa gaganaping BLOOD LETTING ACTIVITY ng Local Government Unit ng Anao kasama ng Municipal Blood Council, Anao Rural Health Unit at ng PHILIPPINE RED CROSS- TARLAC CHAPTER na gaganapin sa SEPTEMBER 26, 2025 (FRIDAY) mula 8:00AM sa OLD SB SESSION HALL.
“Be a Hero, Save Lives, Donate Blood”
PARA MAGING BLOOD DONOR:
– Edad 18-59 taong gulang
– May timbang na hindi bababa 50kilos/110 lbs
– May sapat na tulog, anim na oras pataas
– Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras
– Hindi naoperahan sa loob ng isang taon
Napakahalaga ng pagdodonate ng dugo sapagkat maraming mga may sakit na mamamayan ang maaaring matulungan ng inyong kaloob na dugo.
Tara na at makiisa, sama-sama tayong sumagip ng buhay.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac