Skip to main content

Bayan ng Anao, Ginawang ‘Door-to-Door’ ang mga Kasalan

Ang bayan ng Anao, na pinamumunuan ni Mayor Rafael Naral, ay nagsagawa ng ‘door-to-door weddings’ sa mga nais magpakasal ngayong buwan ng Pebrero.
“Imbes na mass wedding, nagpasya kami [LGU] na gawing door to door [ang mga wedding] dahil sa banta ng pandemya.” ani Mayor Naral sa isang panayam.
Ang mismong LGU ay nagpunta sa bahay ng mga ikakasal at naghandog na rin ng regalo at pagkain sa mga ito.
“Dahil ang Pebrero ay Civil Registration Month, libre ang application sa pagkasal. Kami na mismong nasa civil registrar office at ng LGU ang pupunta sa kanila para doon [sila] ikasal.” aniyang Evelyn Siobal na Municipal Civil Registrar ng Anao.
Maliban sa mga ninong at ninang ng mga kinakasal, ang Mayor at mga kagawad ng munisipyo ay kasama sa mga naging principal sponsors.
Nagsimula ang ‘door-to-door’ weddings noong Pebrero 14 hanggang ngayong Pebrero 28.

 

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac