Attention: FIRST TIME JOBSEEKERS

Kung ikaw ay ‘first time jobseeker’, maging bagong tapos sa mataas na paaralan, vocational course, o kolehiyo, o nagbabalak mag-working student—basta’t papasok sa trabaho sa unang pagkakataon, maaari mong makuha ang ilang pre-employment documents ng libre. Ito ay sa bisa ng Republic Act No. 11261 o First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA) na nilagdaan noong 2019.
Ang nasabing batas ay tugon sa pinansiyal na hadlang sa paghahanap ng trabaho na hinaharap ng mga first time jobseekers. Sa pagsasalibre ng ilang pre-employment documents, napadadali at napabibilis ang pagtamo ng kapakipakinabang at disenteng trabaho.
Alamin ang mga hakbang na kailangang sundin, ano-anong mga pre-employment documents, at kung saang ahensiya sila maaring makuha nang libre.
Para sa karagdagang impormasyon, i-download ang FTJAA brochure sa bit.ly/FTJAA_IEC.
Ipinaparating ng Kawanihan ang isang malugod na paglahok sa mundo ng paggawa!
Para patuloy makatanggap ng impormasyon at update mula sa DOLE at BLE, maaaring sumali sa aming Viber Channel sa bit.ly/BLE_UsapangTrabaho.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac