Assorted Vegetable Seeds sa dalawang Asosasyon ng Magsasaka
Iginawad ng Da-opa San Isidro Tarlac na pinamumunuan ni Maam Alice Cruz sa pamamagitan ng kanyang Provincial HVCDP Coordinator Mr. Arman Antonio Tullao ang mga assorted vegetable seeds sa dalawang asosasyon ng magsasaka ng Bayan ng Anao. Ang Anao Vegetable Growers Association Inc. at Brgy. Suaverdez Farmers Association Inc. ang naging benepersyaryo ng programa na pinunduhan ng Hvcdp Region III. Ito ay gagamitin ng mga miyembro ng asosasyon upang makapag-ambag sa seguridad sa pagkain. Ang lokal na pamahalaan ay magbibigay din ng mga buto ng gulay sa mga nagnanais na magtanim.

