ARAW NG MGA BAYANI
Ngayong Araw ng mga Bayani, hindi lamang natin ginugunita ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan. Ating kinikilala at pinararangalan ang mga makabagong bayani na patuloy na nagsisilbi at nagsisikap para sa ating komunidad at bayan.
Sa bawat manggagawang tapat sa kanilang tungkulin, magsasakang nagse-sumikap upang may pagkain sa ating hapag, guro na humuhubog sa kinabukasan, health workers na nag-aaruga, at bawat Pilipinong patuloy na nagtatrabaho at tumutulong sa kapwa, kayo ay mga bayani sa sarili ninyong paraan.
Ang kabayanihan ay hindi lamang nasa kasaysayan. Ito ay buhay sa bawat taong may malasakit, sipag, sakripisyo, at pusong naglilingkod para sa bayan.
Saludo sa ating mga bayani, kahapon, ngayon, at sa bawat araw. Mabuhay ang mga Pilipinong patuloy na nagsisilbi para sa bayan!
#BagongAnao
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1JhsjtYNev/
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1JhsjtYNev/

