Skip to main content

AGRO TRADE FAIR at FARMERS NIGHT CELEBRATION sa Marso 14, 2023

Ang Lokal na Pamahalaan ng Anao sa pangunguna ng ating Punong Bayan Jappy De Dios, Pangalawang Punong Bayan Joy Concepcion – Punzalan kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan Anao Tarlac ay inaanyayahan ang lahat na dumalo at saksihan ang inaabangan na AGRO TRADE FAIR at FARMERS NIGHT CELEBRATION sa Marso 14, 2023 sa Municipal Ground, Brgy. Poblacion. Ang selebrasyon ay bahagi ng Ylang-Ylang Festival & 153rd Founding Anniversary ng ating Bayan. Ang pagbubukas ng Trade Fair ay magsisimula ng alas Otso ng umaga at ang Farmers Night Celebration naman ay sa ganap na alas Sais ng gabi.
Maraming sorpresa po ang inihanda ng Pambayang Panakahan para sa kasiyahan ng ating mga kababayan lalo na ang mga magsasakang Anaoeño.
Maraming Salamat Po!

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac