
44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week
Ipinagdiwang ng Bayan Ng Anao ang “44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week” sa temang “Pamahalaan kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, tugon sa Pagpapalakas ng Taong may Kapansanan” noong ika 21 ng Hulyo, 2022..
Ang nasabing programa ay naging matagumpay sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office na dinaluhan at sinuportahan ng ating Punong Bayan- Hon. Gian Pierre Jappy De Dios, kasama ni Vice Mayor- Jocelyn Joy Concepcion – Punzalan at miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nagbigay ng Orientation on the Programs/ Services of the Department of Trade and Industry ang ating Business Counselor II na si Ms. Krizia Dela Cruz na sinundan ng pagbibigay ng oryentasyon patungkol sa Laws and Issuances for Persons with Disablities and Updates on the Programs/ Services for PWDs ang Disablity Affairs Officer IV na si Engr. Leocadio S. Naelgas.