Skip to main content

1st Digital Agriculture Congress at Techno Gabay Summit

Ilan sa mga kaganapan sa 1st Digital Agriculture Congress at Techno Gabay Summit na ginanap sa Xenia Hotel Clark, Angeles City, Pampanga na kung saan ibinahagi ng Bayan Ng Anao sa pamamagitan ng Anao FITS Center ang mga Best Practices sa pagbibigay serbisyo sa ilalim ng Farmers Information & Technology Services o FITS. Binigyan parangal bilang Best Partner Member Agency ng Techno Gabay Program ang Tarlac Agricultural University – Department of Extension and Training sa pangunguna ni Dr. Yolanda Guillermo at isa sa Best FITS Center ng rehiyon ngayong taon ang Anao FITS Center ng ATI Central Luzon. Naging posible ito dahil sa patuloy na suporta sa pagpapalakas ng programa sa pangunguna ni Mayor Jappy De Dios, Vice Mayor Joy Concepcion – Punzalan at Sangguniang Bayan Anao Tarlac.

Official Website of Municipality of Anao, Province of Tarlac