Anao is a 5th class Municipality in the Province of Tarlac, Philippines.
As the smallest municipality in the province, Anao covers a total land area of 2,387 hectares (5,900 acres). The area occupied by the municipality was formerly a part of Pangasinan. It is 34 kilometers (21 mi) east of the Provincial Capital and nestling on the Tarlac-Nueva Ecija border. Located in the north-eastern part of Tarlac, it is bounded on the north by San Manuel, in the east by Nampicuan, on the south by Ramos and on the west by Paniqui and Moncada.
Payak ka mang naturingan
Hamak man ang kalagayan
Hindi naman masusukat
Taglay mong sigla’t sikap.
Mamamayang manahan sa iyong kandungan
Pag-ibig talino’t paglilingkod ay alay
Pagpapakasakit ay pinamuhunan
Upang dangal ng lahi itanghal ng lubusan.
Mahal naming Anao, tahimik na bayan
Ang halimuyak mo’y dama sa Ylang-Ylang
Taglay mong liwanag ng kapayapaan
Sinag ng pag-asa sa kinabukasan.
Kalinisa’t luntian mo’y aming karangalan
And kabukiran mo’y aming kayamanan
Mabuhay kang tunay pinagpalang bayan
MABUHAY! MABUHAY! MAHAL NAMING ANAO!
(By: Brgy. Kgd. Geruben A. Concepcion
Brgy. San Francisco West, Anao, Tarlac)
Saan mang dako ako magawi o mapunta
Silangan, Kanluran, Timog man o Hilaga
Ikaw Bayang Anao, na aking minumutya
Ang laman ng isip ko’t nitong alaala.
Mga pinuno’t mamamayan, nagsama-sama’t nagkakaisa
Humahakbang nang pasulong, upang bayan umunlad ka
Di sila mabibigo, sa kanilang mithiin at adhika
Na maging tanyag ka at itanghal na dakila.
Katahimikan, kalinisan, luntiang kapaligiran
Samyo at bango nitong ylang-ylang na halaman
Kagandahang asal, ginintuang kaugalian
Ay siya mong katangian at taglay na yaman.
Sa kagitingan, ikaw ay sadyang kapuri-puri
Ayon sa kasaysayan mo, may sarili kang bayani
Magiting na lumaban, at sa iyo ay nagsilbi
Upang kapayapaan at kalayaan tunay na magwagi.
Sa puso’t damdamin, umaapaw ang tuwa’t galak
Na paglingkuran ka, bayan ko, nang wagas at tapat
Di hahayaang mawala, maglalahong ganap
Mga karangalan mong nakamit na handog sa ‘ming lahat.
At sa sandaling ako’y pumanaw
Hangad ng puso ko’y sa bayan kong hirang
Dito ihihimlay ang abang katawan
Bilang alaala sa mahal kong bayan…