Meeting with Mayor, Punong Barangay and Embassy of Japan to talk about The Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects (GPP) for the Farmers in Town

Mainit na tinanggap ng ating Punong Bayan Kgg. Paeng Naral kasama ang pangalawang Punong-Bayan Kgg. Jappy de Dios ang pagbisita ng mga kaibigan mula sa Embahada ng Japan na pinamumunuan ni Sir Tetsuharu Mori, First Secretary of Agriculture, Maam Natsuko Takashi, Senior Program Officer kasama ang kanilang support staff. Ang pagdalaw nila ay upang pag-usapan ang Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects (GPP) para sa mga magsasaka ng bayan. Masaya din na makadaupang palad nila ang mga magsasaka para ipakita ang mga karaniwan na ginagawa sa bukid.