logo
previous arrow
next arrow
PlayPause
Slider

Ang Paglulunsad ng Climate Smart Farm Business School para sa mga magsasaka ng Anao Farmers Agriculture Cooperative

Ang paglulunsad ng Climate Smart Farm Business School para sa mga magsasaka ng Anao Farmers Agriculture Cooperative na pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Paeng Naral kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa kagandahang ipinagkaloob ng Agricultural Training Institute ng Rehiyon 3 sa pamamagitan ni Maam Vera Esguerra, Center Director at Maam Reinalyn Gulen, Project Leader. Layunin ng nasabing programa na bigyan ng ibat-ibang teknolohiya sa pagsasaka na may kakayahang makisabay sa hamon ng pabago-bagong klima na may mataas at kalidad na ani.Binibigyan din ng diin na ang pagsasaka ay isang negosyo na maaaring mapagtagumpayan upang sa ganoon ay maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat magsasakang Anaoeño.